PACC: SI LENI ANG DAPAT MA-IMPEACH

MASAlamin

GRABE ang sakayan sa lumubog na bangka ng mga mangingisda sa Recto Bank. Sa ordinaryong Filipino ay normal na mag-react sila at maibigay ang kanilang punto ukol diyan. Pagkatapos ma­sabi, ayos na dahil ang importante nailabas nila ang kanilang saloobin. Ngunit inaakala marahil ng mga kritiko at mga media outfit na kritikal sa Pangulo na roon pa rin naka­tuon ang atensiyon ng mamamayang Fili-pino kaya pilit pa ring sinasakyan ang bumenta nang isyu.

Gasgas na po.

Ngayon may panawagan pang i-impeach ang Pangulo dahil sa isyung ito. Aba’y over-extended na. Sana naman ay nalalaman at nararamdaman din ng mga kritiko ng Pangulo kapag nagmumukhang over-acting na lamang din ang kanilang mga pagpuna, at nakuha pang manawagan ng impeachment. Hello. Hilo?

Kamakailan ay nag-text sa atin ang idol ng bayan na si Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Atty. Manny Luna. Ang kanyang mensahe: “It’s Leni who should face impeachment.”

“Ground? She has been sowing the seed of hate against the duly constituted authorities, especially the president,” pahayag ni Commissio­ner Luna.

May katuwiran si Commissioner Luna, kung ang nais ni Rob­redo ay kamuhian ng taumbayan ang Pangulo upang mapabagsak ang pamahalaan ay maaaring pumapalaot  ito sa isang mabigat na paglabag na tinatawag na “treason.”

Ang siste, kapag bumagsak ang popularidad ng Pangulo dahil sa napaniwala ni Robredo ang taumbayan, ang kahahantungan nito ay kaguluhang pambansa na ang pinalalakas ay ang ambisyon ng mga may planong umagaw ng kapangyarihan mula sa “duly constituted authorities.”

“A pattern has been emerging from the se­veral pronouncements she (Robredo) had made, as well as actions taken in the course of several months,” pahayag pa ni Commissioner Luna.

Ang ipinagtataka ko lamang ay kung hindi na masaya si Robredo sa administrasyon, e bakit ayaw pa n’yang magbitiw sa tungkulin at maging regular na kritiko na lamang ng administrasyon sa kapasidad ng isang pribadong mamamayan?

Mas magiging epektibo siya kung ganyan ang kanyang gagawin, kaysa nakasuso siya sa isang pamahalaan na kinamumuhian naman niya.

Comments are closed.