KAPWA nagpahayag ng kahandaan na magtulungan ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ang isang kongresista kaugnay sa nakatakdang pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa umano’y ilegal na pagpasok sa bansa ng ‘substandard steel bars’.
Kamakalawa ng hapon, personal na tumungo si PACC Commissioner Manuelito Luna sa tanggapan ni 1st. Dist. Agusan del Norte Rep. Lawrence Lemuel Fortun para ipaabot ang pagnanais ng komisyon na aktibong makibahagi sa gagawing pagsisiyasat ng lower house hinggil sa nabanggit na isyu.
“I went here not only for a courtesy call but to express the sense of the commission and its actual intent to help the House thru the office of the honorable Congressman Fortun of Agusan del Norte, so that we will be able to find out ano ba talaga ang totoo, nakapasok ba o na-market ba talaga o naibenta at nagamit itong mga alleged substandard steels?” pahayag ni Luna sa esklusibong panayam ng PILIPINO Mirror.
“He (Cong. Fortun) is a fellow Mindanaon kaya parehas po ang aming nararamdaman dito sa mga nangyayaring earthquake, which have caused some damage and even death sa ating fellow sons and daughters of Mindanao. Pero ang aming tinitingnan dito sa komisyon, in collaboration with Congress specially with Cong. Fortun, ‘yung alleged sub-standard steel na have been used sa mga structure specially public structures, mga infra,” dagdag pa ng PACC commissioner.
Sinabi ni Luna na ikinagagalak niyang malaman na mayroong inihaing House Resolution 379 ang Agusan del Norte lawmaker, na kasapi ng minority bloc, na humihiling sa House Committee on Trade and Industry na magsagawa ng legislative inquiry hindi lamang nakatuon sa ilegal na ipinasok sa kundi maging ang paggawa dito sa bansa ng mahihinang klase ng bakal.
“We believe that he filed a very timely bill, hindi lang para sa Mindanao ito, sa mga tao natin sa Mindanao, but for the entire country. Kasi, posible rin na umabot itong mga substandard steel sa iba’t ibang istruktura sa buong bansa. And our President Rodrigo Roa Duterte actually issued an order na inspeksyunin ang lahat ng structures mula Luzon hanggang Mindanao,” pahayag pa ni Luna.
Sa panig ni Fortun, sinabi nitong dahil mayroon nang naunang imbestigasyon ang PACC, malaking papel din ang magagampanan ng komisyon sa hinihiling niyang House probe.
“I think this is going to be very helpful to the committee because the commission has already started their own investigation as well. And they are most willing to share with us what ever findings so far that they have been able come up with,” sabi ng kongresista.
“And that they (PACC) will be suggesting to us also resource persons who might be very helpful in shedding light on many issues revolving around this issue, that has been going around for the last ten years and exposing grave danger to our people not only in Mindanao but in the entire country… And i think the investigation will proceed very smoothly kapag nandiyan po ang komisyon,” pagbibigay-diin pa ni Fortun.
Samantala, sinabi ni Luna na hihilingin nila sa Kamara na maipatawag ang ilang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Education (DepEd) at Bureau of Customs (BOC) upang magbigay linaw sa nabanggit na usapin.
Nakatakda ring bumuo ng isang team of experts si Luna, kasama ang iba pang taga-PACC para magsagawa ng randon inspection at testing sa ilang istruktura sa Mindanao nang sa gayon ay malaman kung nagamitan ng depektibong bakal ang mga ito.
“So pupunta kami doon and whatever findings we have, preliminary or initial, we will be very happy to share them to honorable Cong. Fortun and the committee investigating this sub-standard steels. Kasi meron na kaming initial, reports na natanggap and documents, so we will be sharing these with the committee and if subpoenaed, I and Chairman Dante Jimenez are willing to appear before the commit-tee to give our ten sense word dito sa isyu na ito,” paglalahad pa ng PACC commissioner. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.