BULACAN – HINIMOK ni Department of Trade and Industry – Region III Regional Director Officer-in-Charge) Edna Dizon ang mga pamahalaang lokal sa Central Luzon na magtayo ng pasilidad para matulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na maingat ang antas ng kanilang mga produkto.
Nabatid ang Bulacan ang kauna-unahang packaging service na itinayo sa rehiyon na pinapatakbo ng pamahalaang lokal.
Kung saan ipinakita ang mga equipments upang mahikayat ang iba pang mga probinsya, para sa mapalakas pa ang lokal na produkto mula sa dekalidad na kagamitan na mag-aangat sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay DTI (OIC) Dir. Dizon, lubhang malaki ang maitutulong mga machineries na katulad nito, upang makapasa na makapasok ang mga One Town, One Product (OTOP) ng mga MSMEs sa pandaigdigang merkado kung saan umiiral ang mga free trade agreements.
THONY ARCENAL