PACMAN BUMOTO ANGKAS NG MOTORSIKLO

pacman

AGAW-PANSIN  si Senador Manny Pacquiao na sakay ng  motorsiklo  para humabol sa pagboto sa kanyang presinto sa General Santos City kahapon.

Nakaangkas lamang ang fighting senator sa motorsiklo na minaneho ni Kiamba Vice Mayor Danny Martinez  nang dumating  sa Kiamba Central Elementary School sa Barangay Poblacion.

Dakong 2:35  ng  hapon nang makaboto si Pacquiao, ilang minuto bago magsara ang  botohan at agad din umalis na angkas pa rin ng  motorsiklo.

Balik na agad sa Maynila si Pacman kasama ang Team Pacquiao, upang dumalo sa sesyon sa Senado.

Comments are closed.