PACMAN GIGIL NA KAY THURMAN

Pacman

SABIK na si Filipino boxing icon Manny Pacquiao na makasagupa si Keith Thurman.

Ang fighting senator ay nasa final stretch ng kanyang paghahanda para sa showdown laban sa American boxer.

Hahamunin ng Pambansang Kamao si Thurman para sa kanyang WBA (super) welterweight world title sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas (July 21 sa Manila),  at puspusan ang pag-eensayo sa Wild Card Gym.

Sa kanyang media day, sinabi ni Pacquiao na 100 porsiyento na siyang handa para sa laban.

“Excited na,” anang 8-division world champion, na may isang prediksiyon lamang sa laban.

“Hindi ako nagpe-predict, pero sinabi ko na, my analysis of the fight… Malaki ang percentage na hindi matapos ‘yung 12 rounds,” ani Pacquiao.

Ito ay magiging ika-71 boxing match ni Pacquiao sa kanyang professional career kung saan may record siya na 61 panalo (39 knockouts), 7 talo at 2 draws.

Samantala, si Thurman ay may record  na 29 panalo, kabilang ang 22 knockouts.  Nagbalik siya sa ring noong Enero 2019 matapos ang kanyang huling laban noong 2017.

One thought on “PACMAN GIGIL NA KAY THURMAN”

Comments are closed.