PACMAN HANDA SA REMATCH KAY FLOYD

PACMAN-MAYWEATHER

MATAPOS ang impresibong technical knockout win laban kay Lucas Matthysse, nagpahayag ng kahandaan si bagong WBA welterweight champion Manny Pacquiao sakaling magpasiya si Floyd Mayweather na magbalik sa ring at ha­rapin siya sa ikalawang pagkakataon.

Ayon kay Pacquiao, bagama’t nakahanda siya sa ‘rematch’ kay  Mayweather, ang laban ay nakadepende pa rin kay Mayweather dahil ang undefeated champion ay nagretiro na sa sport.

“First, why we are disturbing him? He is not in boxing anymore,” wika ni Pacquiao matapos ang kanyang seventh-round stoppage victory.

Aniya, sakaling magpasiya si Mayweather na magbalik sa pagboboksing, hindi siya mangingi­ming ikonsi­dera ang Pacquiao vs Mayweather part 2.

Magugunitang tinalo ni Mayweather ang Pambansang Kamao via unanimous decision nang mag­harap ang dalawa noong Mayo 2015.

“If he decides to go back in boxing then that’s the time we’re going to call a shot. I have the belt,” pagbibigay-diin ni Pacquiao.

Gayunman, sinabi ng 8-division world champion na hindi lamang si  Mayweather ang opsiyon para sa kanyang posibleng susunod na laban.

“It’s up to him if he wants to comeback to boxing and do a second one or fight ­another opponent. There’s a lot of boxers there that we can fight,” ani Pacquiao.

4 thoughts on “PACMAN HANDA SA REMATCH KAY FLOYD”

  1. The when I just read a weblog, Lets hope who’s doesnt disappoint me approximately this one. What i’m saying is, Yes, it was my choice to read, but I really thought youd have something interesting to mention. All I hear is usually a handful of whining about something you could fix when you werent too busy in search of attention.

Comments are closed.