PACMAN NANAWAGAN NG TULONG PARA SA MGA BIKTIMA NI ‘ODETTE’

Manny Pacquiao

Nanawagan si pre­si­dential aspirant Senator Manny Pacquiao sa mga tagasuporta at kaibigan na tumulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

“Nananawagan ako sa lahat ng mga may kaya, yung may mga kaya, maglabas tayo, mag-ambag tayo ng tulong sa ating mga kababayan. Huwag tayong manghinayang sa perang magagastos natin. Maibabalik din iyan. Ibabalik din ng Panginoon ‘yan. Importante eh makatulong tayo,” ayon kay Pacquiao.

Dagdag pa niya, maaaring ipadala ang tulong sa Manny Pacquiao Foundation.

“Kasi ang daming nasalanta eh, kumbaga, nangangailangan ng tulong. Kumbaga eh, maraming magugutom at talagang nahihirapan ngayon sa buhay. Kaya kailangan nila tayo,” ayon pa sa mambabatas.

Maaaring food packs o relief goods ang ibigay na tulong ng publiko, ayon kay Pacquiao.

Sa mga nagnanais na tumulong, maaaring dumiretso sa headquarters ng senador sa Makati City o General Santos City.

Nauna namang nagdapadala si Pacquiao  ng sampung  tonelada ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo. LIZA SORIANO