PACMAN TALO MAN KAY UGAS TAAS-NOO PA RIN ANG NGA FILIPINO

manny

NATULALA man ang mga Pinoy sa pagkatalo ni boxing champion Manny Pacquiao sa katatapos nitong laban noong Linggo, August 22, sa Las Vegas, Nevada, ipinagmamalaki pa rin siya ng kanyang mga kababayan.

Hindi makapaniwala ang mga nanood sa T-Mobile Arena ng World Boxing Association Welterweight Championship fight sa nangyari. Totoo nga. Talo ang legenda­ry Filipino boxer na si Senator Manny Pacquiao laban kay Cuban boxer Yordenis Ugas.

“I’m sorry that we lost tonight but I did my best and I apologize,” pahayag ni Manny na magang-maga ang mukha habang ini-interview siya pagkatapos ng 12-round fight nila ni Ugas.

Nagkaproblema raw siya sa adjustment. Hindi niya gaanong maigalaw ang kanyang binti.

Dahil sa pagkatalo, hindi na sigurado si Pacman kung lalaban pa siyang muli, magre-relax daw muna siya at magpapahinga. Sa tanong naman kung kakandidato siya sa pagkapangulo ng Pilipinas sa halalan sa May 2022, sa September daw niya ihahayag ang kanyang sagot. Ngunit natalo man ang Pambansang kamao sa kanyang laban, ipinagmamalaki pa rin siya ng kanyang mga kababayan dahil sa kabila ng lahat, hindi maitatangging siya lamang ang kaisa-isang8-belt division champion sa buong mundo  – KAYE NEBRE MARTIN

2 thoughts on “PACMAN TALO MAN KAY UGAS TAAS-NOO PA RIN ANG NGA FILIPINO”

Leave a Reply

Your email address will not be published.