MAKARAANG pataubin si American challenger Adrien Broner noong Linggo, dapat ikonsidera ni WBA welterweight champi-on Manny Pacquiao ang rematch kay Jeff Horn, ayon sa kampo ng Australian fighter.
Magugunitang inagaw ni Horn ang belt ni Pacquiao sa kanilang laban sa Brisbane noong 2017. Lumutang ang pangalan ng Aus-tralyano sa isang artikulo sa ESPN US na naka-post sa website noong Martes na nagpapahiwatig na dapat maging opsiyon ni Pacquiao si Horn.
Sinabi ni American boxing journalist Dan Rafael na nakausap niya si Dean Lonergan hinggil sa posibilidad ng sequel at sinabi ng promoter ni Horn na papayag dito ang kampo ng Australian boxer.
“A rematch of that fight, either in Las Vegas or Brisbane, should be a requirement by Floyd (Mayweather Jr.), along with the box-ing public and broadcaster, to give a possible Mayweather-Pacquiao II the credibility it needs,” ani Lonergan.
Ang iba pang pangalan na binanggit ni Rafael ay kinabibilangan nina Errol Spence Jr., Mike Garcia, Terrence Crawford at Amir Khan.
Muling inihayag ni Pacquiao sa publiko ang pagnanais niyang makasagupa si Mayweather matapos ang kanyang impresibong panalo laban kay Broner sa pagbabalik ng Filipino ring icon sa Las Vegas.
Comments are closed.