PACQUIAO ITINALAGANG SPOKESMAN NG PDP-LABAN

Sen Pacquiao

ITINALAGA si Senador Manny Pacquiao bilang spokesman ng PDP-Laban para sa pagpapahayag kung sino ang mag-ing manok ng partido para sa House speakership.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, pangulo ng partido, ibinigay na niya kay Pacquiao ang res­ponsibilidad upang ipaalam sa publiko kung sino ang pambato ng PDP-Laban para sa house speakership race.

Kabilang sa mga miyembro ng PDP-Laban na naghahangad na maging house speaker ay sina Cong. Lord Allan Velasco, Cong. Aurelio Gonzales at Cong. Pantaleon Alvarez.            DWIZ 882

Comments are closed.