PACQUIAO PATATAHIMIKIN SI THURMAN

PACQUIAO-THURMAN

NANGAKO si Filipino ring icon Manny Pacquiao na patatahimikin si Keith Thurman sa kanilang World Boxing Association title bout sa susunod na buwan kung saan tinawag niya itong ‘maingay’ sa pag-igting ng kanilang ‘word war’.

Nauna nang sinabi ni Thurman, 30, na pagreretiruhin niya ang 40-anyos na fighting senator sa kanilang bakbakan sa Las Vegas sa Hulyo 20.

Ayon sa undefeated American, pahihirapan niya nang husto ang nag-iisang eight-division world champion sa mundo.

“He has never fought anyone this young, strong and hungry,” aniya.

Bilang tugon ay sinabi naman ni ­Pacquiao na maingay ang kanyang makakatunggali sa labas ng ring.

“Let’s see if he can back it up inside the ring,” ani Pacquiao.

“Some boxers are arrogant while other bo­xers are humble. Thurman? We know he’s arrogant,”dagdag ni Pacquiao,  ang WBA’s secondary ‘world’ champion.

“I’m so motivated for this training camp because of his trash talk, like that. I would rather have my fists do the talking,” dagdag pa ni Pacquiao.

Tila patungo na sa pagreretiro ang Pambansang Kamao noong nakaraang taon subaliit pinabagsak niya si Lucas Matthysse at tinalo si Adrien Broner.

Nangako naman si Thurman, may 29-0 rekord, kabilang ang 22 knockouts, na siya na ang magiging huling kalaban ni Pacquiao sa ring.

“His legacy ends on July 20. He’s had a wonderful career, and been an inspiration. We all love him and respect him. And I’m respectfully going to kick the shit out of him.”

One thought on “PACQUIAO PATATAHIMIKIN SI THURMAN”

  1. 155517 85623Depending on yourself to make the decisions can actually be upsetting and frustrating. It takes years to build confidence. Frankly it takes much more than just happening to happen. 253945

Comments are closed.