PACQUIAO SASABAK SA PRESIDENTIAL POLLS

pacquiao

PLANONG tumakbong presidente ni Senador Manny Pacquiao  sa 2022 elections, ngunit ang pinal na desisyon ay ihahayag pagkatapos ng isang buwan.

Ito ang pahayag sa CNN Philippines ng isa sa malalapit sa senador.

Ayon kay Monico Puentevella, political ally ni Pacquiao at unofficial spokesperson, sa panayam ng CNN Philippines’ sinabi umano sa kanya ni Pacquiao na kakausapin muna niya si Vice President Leni Robredo.

“What I can say is, it might be a go,” ayon kay Puentevella dahil kailangang magkaroon ng  formal declaration matapos ang pakikipag-usap sa mga lider oposisyon at administrasyon.

“As he (Pacquiao) told me, he said, ‘go ito’ at 2 in the morning, he said, ‘go tayo.’ And that’s the first time he said he had a good rest, a good night’s sleep,” dagdag ni Puentevella, na kasama nin Pacquiao sa  ringside sa laban ng huli kayn Yordenis Ugas sa  Los Angeles noong Linggo.

Sa isang  text message, sinabi naman nin Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na  “fit for the next fight” si Pacquiao.

Inaasahan ang deklarasyon ni Pacquiao sa Setyembre tungkol sa kanyang kandidatura.

27 thoughts on “PACQUIAO SASABAK SA PRESIDENTIAL POLLS”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *