PACQUIAO SUMABAK NA SA TRAINING SA L.A.

pacquiao

BALIK na si eight-division champion Manny Pacquiao sa Los Angeles at sumabak na sa training para sa kanyang nalalapit na laban kay WBC at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr..

Nakatakda ang Pacquiao-Spence fight sa August 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA.

Tumakbo ang 42-anyos na si Pacquiao sa umaga at nakihalubilo sa kanyang fans sa Pan Pacific Park bago tumuloy sa Wild Card Gym noong hapon para sa kanyang boxing workout.

Ipinost ni  Pacquiao sa Instagram ang video habang nagsasanay siya sa Wild Card.

“Excited to be back at Wild Card Gym with coach Freddie!” sabi ni Pacquiao.

Bago lumipad sa LA ay sinabi ni coach Buboy Fernandez  na nasa 80% na ang kondisyon ni Pacquiao at naging maganda naman ang takbo ng training nito sa Wild Card Gym sa GenSan.

Ang LA training ng Filipino boxing icon ay pangangasiwaan din ni coach Freddie Roach.

One thought on “PACQUIAO SUMABAK NA SA TRAINING SA L.A.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *