PACQUIAO-THURMAN REMATCH MALABO NA

PACQUIAO-THURMAN

DANNY Garcia, Mikey Garcia, Shawn Porter.

Ang mga pangalang ito ay ilan lamang sa mga nasa radar ni boxing legend Manny Pacquaio na posibleng susunod niyang makasagupa sa kanyang pagbabalik sa ring sa kaagahan ng 2020.

Ayon kay Sean Gibbons, presidente ng Manny Pacquiao (MP) Promotions, ang natu­rang tatlong fighters ay kabilang sa nakakuha sa interes ng 40-year-old fighting senator na ga­ling sa 12-round split decision win laban kay Keith Thurman noong nakaraang buwan.

“Danny Garcia, Mikey Garcia, there’s other guys out there to fight. Shawn Porter,” wika ni Gibbons sa kanyang pagbisita sa unang pagkakataon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila kahapon.

Bago nakalaban si 30-year-old Thurman, naunang kinonsidera ng kampo ni Pacquiao si Danny Garcia, dating may hawak ng World Boxing Council (WBC) version ng 47-lb title belt, kasunod ng kanyang April 20 fight kontra Adrian Granados.

Nadagdag din si Mikey Garcia, bagama’t natalo siya kay reigning International Boxing Federation (IBF) champion Errol Spence via unanimous decision sa kanyang unang pagtatangka bilang welterweight noong nakaraang Marso. Ang 31-anyos na si Garcia, nakababatang kapatid ni champion trainer Robert Garcia, ay dating lightweight at junior welterweight title holder.

Samantala, si Porter ay dating sparring partner ni Pacquiao at kasalukuyang  WBC champion na nakatakdang sumabak para sa unification match laban kay Spence sa Setyembre sa Staples Center sa Los Angeles, California.

“Let’s say if Shawn Porter somehow came out winning, he can get into the mix. I’m not against fighting Shawn Porter,” wika ni Gibbons sa session na handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel-Manila at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Dahil dito, sinabi ni Gibbons na malabo na ang rematch kay Thurman.

“He (Thurman) had his opportunity, he had his shot,” pagbibigay-diin ng  veteran international matchmaker, na minsang lumaban bilang isang light-heavyweight. CLYDE MARIANO