PACQUIAO, UGAS MAG-UUPAKAN NA!

PACQUIAO, UGAS

KAPWA pasok sina Manny Pacquiao at Yordenis Ugas sa itinakdang timbang bago ang kanilang inaabangang bakbakan ngayong Linggo.

Si Pacquiao ay tumimbang ng 146 pounds, habang si Ugas ay nagtala ng  147 pounds sa weigh-in, Sabado sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ang dalawang boksingero ay magsasagupa ngayong umaga para sa WBA Welterweight Championship sa T-Mobile Arena na may capacity na 17,000.

Hindi pinayagan ang fans ng dalawa na makapasok sa weigh-in. Tanging ang media practitioners ang nakasaksi sa event sa gitna na rin ng paghihigpit dahil sa COVID-19 pandemic.

Nangako ang eight-division champion na si Pacquiao na gagawin niya ang lahat para magapi ang Cuban boxer.

“I am ready for the fight. I have had the best training. It reminds me of the training camp I had when I was pre-paring for the first fight against Barerra. The fans should expect to see the classic Manny,” ani Pacquiao.

Liyamado si Pacquiao, 42, kontra  35-anyos na Cuban Olympic bronze medalist at amateur boxing world champion. Sinabi ng fighting senator na maaaring ito na ang huling laban ng kanyang legendary career kaya nais niyang ibuhos ang lahat ng kanyang lakas sa ibabaw ng ring.

“If this is my last fight, and I do not know if it is, I want to give the fans a great fight with lots of action and that world title belt around my waist again. This fight means everything to me.”

Ang Filipino boxing icon ay orihinal na nakatakdang sumagupa kay Errol Spence Jr. subalit umatras ang huli makaraang magtamo ng eye injury. CLYDE MARIANO

6 thoughts on “PACQUIAO, UGAS MAG-UUPAKAN NA!”

  1. 774001 842423Hello there, just became alert to your weblog by means of Google, and discovered that it is truly informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful if you continue this in future. A lot of individuals will be benefited from your writing. Cheers! 891690

  2. 286013 913494This internet internet site could be a walk-through for all of the details you wanted in regards to this and didnt know who to question. Glimpse here, and you will surely discover it. 224353

Leave a Reply

Your email address will not be published.