SA PAGBABALIK ni legendary boxer Manny Pacquiao sa ruweda, ang Kia Theatre ay magkakaloob ng viewing experience na siguradong magugustuhan ng maraming boxing fans.
Sa Linggo, Hulyo 15, makakasagupa ni Pacquiao si hard-hitting Argentine Lucas Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia. Para sa mga hindi makakapunta sa Malaysia upang ‘live’ at personal na saksihan ang laban, ang pinakamainam na puwesto sa Metro ay ang Kia Theatre sa Araneta Center.
Isang partnership sa pagitan ng Kia Theatre at ng Cignal, ang screening ay magbibigay ng pagkakataon sa fans na malinaw na mapanood ang laban na tinawag na “Fight of Champions” sa giant high-definition screen na may sukat na 40 feet x 20 feet. Ang matinding aksiyon at ang nakaeengganyong sound system sa theater ay inaasahang tutugma sa mga tili at hiyawan mula sa audience.
Ang mas maganda pa rito ay ang abot-kayang halaga ng tickets. Para sa halagang P500 lamang, ang publiko ay makabibili ng VIP o Loge tickets na may kasama nang meals. Ang balcony tickets ay nagkakahalaga ng P300 lamang. Ang tickets ay mabibili sa Ticketnet outlets at online sa www.ticketnet.com.ph. Ang mga interesado ay maaari ring tumawag sa 911-5555. Magbubukas ang theater sa alas-9 ng umaga.
Ito ang unang pagkakataon na muling lalaban si Pacquiao matapos ang kanyang kontrobersiyal na pagkatalo kay Jeff Horn noong Hulyo 2017.
Itinuturing na “People’s Champ”, nakalaban na ni Pacquiao sa kanyang makulay at matagumpay na boxing career ang ilan sa mga pinakasikat na boksingero sa mundo, kabilang sina Floyd Mayweather Jr., Oscar dela Hoya, Juan Manuel Marquez, Erik Morales, Marco Antonio Barrera, Shane Mosley at Timothy Bradley.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.aranetacenter.net o i- follow ang kanilang social media pages: @aranetacenter sa Facebook at Twitter at @thearanetacenter sa Instagram.
Comments are closed.