PADALA NG OFWs BUMUHOS, $2.675-B NOONG HULYO

OFWs remittances

LUMOBO ang personal remittances ng milyon-milyong overseas Filipino workers ng 4.5-percent year-on-year noong Hulyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang personal remittances o kabuuan ng transfers na ipinadala sa pamamagitan ng cash o inkind via informal channels ay tumaas ng 4.5 percent sa $2.675 billion mula sa $2.559 billion noong Hulyo ng nakaraang taon.

Mas mataas din ito sa $2.615 billion na naitala noong Hunyo ng kasalukuyang taon, ang pinakamababa sa loob ng pitong buwan magmula nang maiposte ang $2.526 billion noong Nobyembre 2017.

Lumobo naman ang cash remittances o money transfers na ipinadadala sa pamamagitan ng mga bangko ng 5.2 percent sa $2.401 billion mula sa $2.283 billion.

“Cash remittances sent by land-based workers grew by 4.5 percent to $1.9 billion, while those from sea-based workers expanded by 7.8 percent to $511 million,” ayon sa BSP.

“By country source, the primary contributors to the growth in cash remittances for the month were the United States, Canada, United Kingdom, and Germany,” sabi pa ng central bank.

Sa unang pitong buwan, ang  personal remittances ay tumaas ng 3.0 percent sa $18.462 billion, habang ang cash remittances ay sumirit ng 3.0 percent sa $16.580 billion.

“The rise in personal remittances during the first seven months of 2018 was supported by an increase of 2.8 percent and 4.0 percent in remittance inflows from land-based workers with work contracts of one year or more and sea-based workers and land-based workers with short-term contracts, respectively,” paliwanag pa ng BSP.

Pagdating sa cash remittances, karamihan o 79 percent ay nagmula sa US, Saudi Arabia, United Arab Emirates, ­Singapore, Japan, UK, Qatar, Canada, Germany at Hong Kong.

Comments are closed.