TUMAAS ang remittances ng overseas Filipino workers mula sa iba’t ibang bansa noong Hulyo.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumalo ang personal remittances ng OFWs sa $2.9 billion noong Hulyo 2019, mas mataas ng 7.2 per-cent sa $2.7 billion na naitala sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taon.
Kapag pinagsama-sama, ang personal remittances sa unang pitong buwan ng taon ay lumobo ng 3.6 percent sa $19.1 billion mula sa $18.5 billion noong 2018.
“The steady growth in personal remittances during the first seven months of 2019 drew support from the remittance inflows from land-based over-seas Filipino workers with work contracts of one year or more, which aggregated to $14.6 billion from $14.2 billion in the same period last year,” wika ni BSP Governor Benjamin Diokno.
Nakapag-ambag sa paglagong ito ang perang padala ng sea-based at land- based workers na may short-term contracts na umabot sa $4.1 billion mula sa $3.8 billion noong nakaraang taon.
Tumaas din ang cash remittances na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko sa $2.6 billion noong Hulyo 2019 mula sa $2.4 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“This brought cash remittances for the Jan-July 2019 period to $17.2 billion, 3.9 percent higher than the $16.6 billion recorded in the same period last year,” ayon sa BSP.
Ang cash remittances mula sa land-based at sea-based workers ay tumaas ng 2.5 percent sa $13.4 billion at 8.9 percent sa $3.8 billion, ayon sa pagkakasunod.
Ang US ang may pinakamataas na share sa overall remittances sa unang pitong buwan ng taon sa 36.8 percent, sumusunod ang Saudi Arabia, Singa-pore, United Arab Emirates, UK, Japan, Canada, Hong Kong, Germany at Kuwait. Ang combined remittances mula sa nasabing mga bansa ay bumu-buo sa 78.1 percent ng total cash remittances mula Enero hanggang Hulyo 2019.
Comments are closed.