PUMALO sa $2.6 billion ang ipinadala sa bansa ng Overseas Filipinos (OFs) noong nakaraang Setyembre, o mas mataas ng 6.3 percent sa $2.5 billion na naitala noong nakaraang taon.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang money transfers noong Setyembre ay naghatid sa halaga ng personal remittances sa $24.6 billion sa unang siyam na buwan ng taon, mula sa $23.7 billion sa kahalintulad na panahon noong 2018.
“Growth in personal remittances during the nine-month period was driven by steady remittance inflows from land-based OF workers with work contracts of one year or more, which grew to $18.8 billion from $18.2 billion in the same period last year,” ayon sa central bank.
“Remittance inflows from sea-based workers and land-based workers with short-term contracts also contributed higher at $5.3 billion this year compared with $4.9 billion a year ago,” dagdag pa ng BSP.
Umabot naman ang cash remittances ng overseas Filipino workers sa $2.4 billion (P106 billion) noong Setyembre, mas mataas sa $2.2 billion noong nakaraang taon.
“This drove cash remittances higher in the first nine months of this year to $22.2 billion from $21.3 billion,” ayon sa BSP.
Ang cash remittances mula sa land-based workers ay tumaas ng 3.2 percent sa $17.3 billion, at 8 percent sa $4.9 billion mula sa sea-based workers.
Ang Estados Unidos ang nagtala ng pinakamalaking share sa total remittances noong Enero hanggang Setyembre o 37.5 percent, sumusunod ang Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, Japan, UK, Canada, Hong Kong, Germany at Kuwait.
Ang pinagsama-samang remittances mula sa naturang mga bansa ay bumubuo sa 78.3 percent ng total cash remittances sa nasabing panahon.
Comments are closed.