PADALA NG OFWs TUMAAS

NAKAPAGTALA ang personal remittances ng 6.4% year- on-year increase noong Marso sa likod ng patuloy na inflows mula sa land-based over-seas Filipinos, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang personal remittances— ang kabuuan ng ipinadalang  cash o in-kind via informal channels— ay tumaas sa $2.796 billion noong Marso ng kasalukuyang taon, mas mataas sa $2.627 billion noong Marso 2018, at sa $2.557 na naitala noong Pebrero.

“The continued growth in personal remittances during the first three months of 2019 was driven by steady remittance inflows from land-based OF workers with work contracts of one year or more, which aggregated to $6.2 billion,” pahayag ng BSP.

Tinukoy rin ng central bank ang sahod ng sea-based workers at land-based workers na may short-term contracts, na umabot sa kabuuang $1.7 billion sa naturang period.

Sa latest figures ay tumaas ang year-to-date personal remittances ng 3.7% sa $8.098 billion,  mula sa $7.809 billion na naitala sa kaha­lintulad na tatlong buwan ng  2018.

Tumaas din ang cash remittances, o ang money transfers sa ipinadaan sa mga bangko, ng 6.6% sa $2.514 billion noong Marso, na naghatid sa year-to-date figure sa $7.299 billion, na mas mataas ng 4.2%.

Ayon pa sa central bank, ang Estados Unidos ang may pinakamalaking share sa overall remittances para sa buwan ng Marso, sa 35.1%, sumusunod ang Saudi Arabia, Singapore, the United Arab Emirates, the UK, Japan, Canada, Qatar, Hong Kong, at Kuwait.

“The combined remittances from these countries accounted for almost 78% of total cash remittances from January to March 2019,” dagdag ng BSP.

Comments are closed.