PUMALO ang personal remittances ng overseas Filipinos (OFs) sa $2.9 billion noong Mayo 2019, mas mataas ng 5.5 percent sa $2.7 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ni BSP Gov. Benjamin E. Diokno na para sa January-May 2019 period, ang personal remittances ay tumaas ng 4.1 percent sa $13.7 billion mula sa $13.2 billion noong nakaraang taon.
“The steady growth in personal remittances during the first five months of 2019 drew support from the remittance inflows from land-based OF workers with work contracts of one year or more, which aggregated to USD10.5 billion from USD10.2 billion in the same period last year,” sabi ng central bank.
Ang inflows mula sa kinita ng sea-based workers at land-based workers na may short-term contracts ay nakatulong din sa paglago na ito at may kabuuang $2.9 billion mula sa $2.7 billion noong nakaraang taon.
Tumaas din ang cash remittances mula sa OFs na ipinadala sa mga bangko sa $2.6 billion noong Mayo 2019, mas mataas ng 5.7 percent sa $2.5 billion na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2018.
“This brought cash remittances for the period January-May 2019 to reach USD12.3 billion, 4.5 percent higher than the USD11.8 billion recorded in the same period last year.”
Ang cash remittances mula sa land-based at sea-based workers ay tumaas ng 3.2 percent sa $9.7 billion at 9.2 percent sa $2.7 billion, ayon sa pagkakasunod, sa unang limang buwan ng 2019.
Sa country source, ang US ang nagtala ng highest share sa overall remittances para sa January-May 2019 period sa 36 percent, kasunod ang Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, UK, Japan, Canada, Hong Kong, Qatar, at Kuwait. PNA