LUMAKI ang cash remittances mula sa overseas Filipinos noong Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng BSP, ang cash remittances mula sa OFs ay tumaas ng13 percent sa $2.382 billion noong Mayo mula sa $2.106 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Mula Enero hanggang Mayo, ang cash remittances ay may kabuuang $12.28 billion, tumaas ng 6.3 percent mula sa $11.554 billion noong nakaraang taon.
Karamihan sa padalang pera ay nagmula sa US, Malaysia, South Korea, Singapore at Canada.
Ang US ang nagtala ng pinakamalaking share sa overall remittances sa 40.1 percent, kasunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, UK, United Arab Emirates, Canada, South Korea, Qatar at Taiwan.
Tumaas din ang personal remittances sa 13.3 percent sa $2.652 billion noong Mayo mula sa $2.341 billion sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa central bank, ang pinagsama-samang personal remittances mula Enero hanggang Mayo ay tumaas ng 6.6 percent sa $13.7 billion mula $12.835 billion noong nakaraang taon.
644906 877131As soon as I discovered this site I went on reddit to share some with the enjoy with them. 547008
841673 996553bless you with regard towards the certain blog post ive genuinely been searching regarding this kind of data on the internet for sum time correct now as a result cheers 928580
299834 117029I enjoy reading article. Hope i can uncover much more articles like this one. Thanks for posting. 5882
831878 398605Very clean web site , thanks for this post. 958525