PATULOY ang pagtaas ng remittances ng overseas Filipinos noong Oktubre kung saan nagposte ito ng three-month high, subalit hindi pa rin ito sapat upang mapunan ang year-to-date losses.
Sa datos na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang cash remittances o ang money transfers na ipinadaan sa mga bangko, ay tumaas ng 2.9% sa $2.747 billion noong Oktubre mula sa $2.671 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, at sa $2.601 billion noong Setyembre.
Samantala, ang personal remittances o ang kabuuan ng transfers na ipinadala sa pamamagitan ng cash o in-kind via informal channels ay tumaas ng 2.5% sa $3.044 billion mula sa $2.969 billion noong 2019, at sa $2.888 billion noong Setyembre.
Ayon sa central bank, ang pagtaas ay sa likod ng pagsirit sa remittances mula sa land-based workers na may kontrata na isang taon o higit pa.
“The latest figures are three-month highs since July, when cash remittances were recorded at $2.783 billion and personal remittances at $3.085 billion,” ayon sa BSP.
Year-to-date, ang cash remittances ay bumaba ng 0.9% sa $24.633 billion habang ang personal remittances ay bumagsak ng 1.0% sa $27.346 billion.
Ayon pa sa datos ng BSP, ang cash remittances mula sa Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, the United Arab Emirates, Germany, at Kuwait ay bumaba habang tumaas naman ang nagmula sa United States, Singapore, Qatar, Oman, Hong Kong, at Taiwan.
Ang US ang nagposte ng pinakamataas na share ng total remittances sa 40.2%, sumusunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, UK, UAE, Canada, Hong Kong, Qatar, at Taiwan.
“The combined remittances from these countries accounted for 78.7% of the total cash remittances,” ayon sa BSP.
Comments are closed.