ITINATAMPOK sa ika-13 taon ng Padday Na Lima sa pakikipag-partner sa Department of Agriculture (DA), masaganang agro-products mula sa Cagayan Valley– mga sariwa at prinoseso, na nagbibigay ningning sa rehiyon bilang pangunahing prodyuser ng mais, bigas, citrus, saging, pinya, luya, mani, mung bean, at lowland vegetables (pinakbet).
Binigyan ni DTI-Regional Operations Group Assistant Secretary Demphna Du-Naga ng komplimento ang pinag-isang pagsisikap ng DTI at DA sa pagsuporta sa mga lokal na magsasaka sa pagdadagdag ng agricultural productivity at paniniguro ng mataas na kita.
“Nagpapasalamat kami sa Department of Agriculture kasi without the DA, ano naman ang inenegosyo namin? Dapat talagang paigtingin natin ang suporta sa mga magsasaka, turuan natin sila. All their products ay dapat i-product demo upang magkaroon ng merkado,” sabi ni Assistant Secretary Du-Naga bilang guest speaker sa pagbubukas ng trade fair.
Bilang Program Manager ng One Town, One Product (OTOP) Next Generation, hinimok ni Assistant Secretary Du-Naga ang mga kasaling micro, small and medium enterprises (MSMEs) na dumaan sa product at brand development, sa pamamagitan ng OTOP Program, para magkaroon ng mas competitive innovation at malakihang merkado.
“Sabi nga ni Secretary Ramon Lopez, tulungan natin lahat ang MSMEs lalo na po ang mga OTOPreneur. Kaya naman ibinubuhos namin ang lahat ng atensiyon sa kanila. Kayo na lang ang susuko pero ang DTI ay hindi susuko to support you,” dagdag pa ni Asec. Naga.
“Padday Na Lima”, isang salitang Ybanag na ang ibig sabihin ay “gawa sa kamay” ay siya nang naging bandila para sa marketing at promotion ng katangi-tanging produkto ng Cagayan Valley.
Ang trade fair ngayong taon ay sinalihan ng 96 exhibitors, na ipinagmamalaki ang kanilang trademark na mga produkto mula sa mga probinsiya ng Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino, mula sa furniture and furnishings, processed food, fashion accessories, home decors, arts and crafts, weara-bles, fresh fruits and vegetables, ornamental plants, ang ilan sa mga ito. Isa itong oportunidad para sa mga taga- Metro Manila para nila ma-enjoy ang specialties mula sa mga nabanggit ng probinsiya.
Comments are closed.