PAF PLANE NABALAHAW SA RUNWAY

SAMAR- PAWANG ligtas ang mga pasahero at crew ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na nabalahaw sa runway ng Catarman Airport sa lalawigang ito nitong Sabado.

Ito ay matapos lumubog sa putik ang landing gear ng PAF C-130 habang nagmamaniobra para sa 180-degree turn bilang paghahanda sa pag-take off nito sa paliparan.

Ayon kay PAF spokesperson Ma. Consuelo Castillo, malakas at walang tigil ang pag-ulan sa lugar kaya’ malambot ang madamong bahagi ng runway kung saan nangyayari ang pag-ikot ng mga eroplano.

Agad na nagsagawa ng precautionary measure ang mga awtoridad upang ligtas na maialis sa putikan ang landing gear ng PAF C-130.

Nakapag-take off nang maayos ang eroplano at ligtas na nakarating sa Mactan-Cebu airport bandang ala- 6:24 ng hapon. EUNICE CELARIO