CAMARINES SUR – RUMESPONDE ang mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) Super Huey II at Bell 205 helicopter sa ilalim ng Tactical Operations Wing Southern Luzon upang maapula ang forest fire sa Mt. Asog sa Iriga City nitong Miyerkules.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, nagsagawa ng heli-bucket operation ang naturang mga chopper para magsaboy ng tubig sa sunog.
Katuwang ng PAF sa paglaban sa sunog ang Bureau of Fire Protection Camarines Sur, 49th Infantry Battalion ng Phil. Army, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Nagsagawa rin ang PAF ng Rapid Damage and Needs Assessment (RDANA) para makita ang lawak ng kapinsalaan at matukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente.
EUNICE CELARIO