PAG-AALIS NG INITIAL SCREENING SA 40 AIRPORT PINAPLANTSA NG OTS

NAKATAKGANG  alisin ng Office of the Transportation Security (OTS) ng Department of Transportation (DOTr) ang Initial Security Screening check point sa 40 paliparan sa buong bansa ngayong taon.

Ito ang pahayag ni OTS Administration Undersecretary Mao Aplasca matapos masaksihan ang magandang resulta sa pag-alis ng mga security check point sa Ninoy Aquino, Mactan – Cebu at Clark International Airport.

Ayon kay Aplasca, naging mas mabilis at maginhawa ang in and out ng mga pasahero sa naturang mga paliparan matapos alisin ang mga security screening.

Nakatutulong din aniya ito para iwas stress lalo na sa mga pasaherong naghahabol ng kanilang flight.

Sa ngayon ay mahigit sa 50 mga paliparan sa buong Pilipinas ang magkakaroon ng OTS deployment sa buwan na ito para masiguro ang seguridad ng mga pasahero. Froilan Morallos