PAG-AALIS SA HEIGHT REQUIREMENT SINUPORTAHAN

Bong Go

“HINDI nasusukat sa tangkad ang pagsisilbi sa kapwa Pilipino (sic)”.

Ito ang pahiwatig ni Senador Christopher Bong Go bilang  pagsuporta  sa  proposed bill ni Senador  Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na nag-aalis sa minimum height requirement ng mga aplikante sa Philippine National Police, Bureau of Jail Management  and Penology, Bureau of Fire Protection at Bureau of Corrections.

Pinuri rin ni Go ang panukalang ito ni Dela Rosa  dahil malaking  tulong ito para mapalakas pa ang law enforcement ng bansa  gayundin ang  firefighting  forces at iba pang first-responders  sa panahon ng kalamidad at iba pang emergencies.

Ayon kay Go, mabibigyan ng pagkakataon ang mga gustong magsilbi sa bayan  pero dahil sa ilang  requirements ay  hindi sila nabibigyan ng  pagkakataon.

Gayundin, pinuri ni Go ang law enforcement officers ng bansa  kung saan, nabawi at napaganda ang reputasyon ng mga pulis  dahil sa mga ipinatupad na cleansing sa kanilang hanay.

Tiniyak  ng senador  na suportado nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga  pulis at sa abot ng kanilang makakaya ay tutulungan nila ang mga ito  bilang pagkilala sa mga sakripisyo matiyak lang  ang  kapakanan ng mga kapwa Pilipino. VICKY CERVALES

Comments are closed.