SINUPORTAHAN ni Senador Panfilo Lacson ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na sa Philippine National Police ang procurement power nito upang masawata ang pagiging gahaman ng ilang police officers kaugnay sa overpricing ng proyektong radar speed guns.
“Nag-improve ang greed? Nag-evolve na ang greed sa ultra-greed. Kailangan ma-determine ni Interior Sec (Eduardo) Año ang timeframe na nire-refer ng Pangulo sa overpricing na sobra-sobra. Hindi lang heads should roll. Some people should really go to jail,” giit ni Lacson.
Ani Lacson, hindi maalis sa Pangulong Duterte na madismaya hinggil sa napaulat na overpricing ng radar speed guns dahil sa ibinigay naman ng adminitrasyon sa PNP ang buong suporta gaya ng kinakailangang equipment, salary at allowances.
“Lahat binigay so we cannot also blame the President to feel that way. Kung may ganoong misbehavior when it involves public funds, dapat lang talaga alisin ang authority,” ayon sa senador.
Nauna rito, nagalit ang Pangulo kaugnay sa overpricing ng radar speed guns project at inihayag nito na si Interior and Local Governement Secretary Eduardo Año na ang magiging ‘in charge’ sa procurement ng nasabing proyekto. VICKY CERVALES
Comments are closed.