PAG-AARAL SA IVERMECTIN POPONDOHAN NG GOBYERNO

HANDANG gastusan ng pamahalaan ang pagsasagawa ng clinical studies sa Ivermectin upang mapatunayang kaya nitong pagalingin ang tinamaan ng COVID-19.

Ito ang pagtiyak ni Pangulong kung makatutulong ang anti-parasitic drug para matapos na ang pandemya dulot ng coronavirus disease.

“So, the earlier the studies are completed, whether or not it has the efficacy to fight COVID-19, is important because it is cheap and available. And it can lessen COVID by 50 percent,” ayon sa Pangulo.

Aminado ang Presidente na wala siya sa posisyon para ideklara na gamitin o hindi ang Ivermectin.

“For me, if there’s an application and you have clinical studies, and if there is a need for funding, we can fund. We can give you give you the – replenish the money later…once and for all, we can resolve the issue of this Ivermectin,” ayon sa Pangulo.

Una nang sinabi ni FDA Director Eric Domingo na may pondo na para sa pag-aaral ng Deparment of Health at Department of Science and Technology sa Ivermectin na uumpisahan na ngayong buwan.

Nilinaw rin ni Domingo na kanila nang inaprubahan ang isang kompanya para sa pagbebenta ng Ivermectin para sa human use at sa kasalukuyan ay mayroon pa ring ibang mga kompanya na nag-apply para rito at ngayo’y sumasailalim sa evaluation ng FDA. EVELYN QUIROZ

6 thoughts on “PAG-AARAL SA IVERMECTIN POPONDOHAN NG GOBYERNO”

Comments are closed.