SA PAGLUNSAD ng #MineResponsibility, isang information at education campaign ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), noong Nobyembre 8, binigyang-diin ni DENR Undersecretary for Climate Change and Mining Concerns Atty. Analiza Rebuelta-Teh ang katungkulan ng gobyerno sa pag-aaruga sa kalikasan at mga karapatang pantao pagdating sa pagmimina.
Sa kanyang keynote speech, kinilala ni Teh ang sari-saring isyu ng publiko laban sa pagmimina tulad ng iresponsableng mining operations bago maisabatas ang Mining Act of 1995, maling pag-iisip na ang pagmimina at pag-quarry ay nagiging sanhi ng lindol, katiwalian sa gobyerno, mga paglabag sa karapatang pantao at karapatan ng mga katutubo.
Sa kabila ng mga ito, idiniin niya na sineseryoso ng DENR sa ilalim ng kasulukuyang administrasyon ang pagpapabuti ng indus-triya ng pagmimina sa pamamagitan ng reporma at polisiya.
“I believe that significant changes should happen in three aspects… perception, practice, and outcomes. For practice and out-comes, we can address that by strengthening our monitoring and enforcement, and implementing real responsible and sustainable mining by the mining companies,” ani Teh.
“Only by achieving this can we ultimately gain public confidence about [the] benefits of mining in the country,” dagdag pa niya.
Para maharap ang mga isyu, iginiit ni Teh na ang #MineResponsibility information campaign ay nakatuon sa pagtigil ng kuma-kalat na maling impormasyon tungkol sa pagmimina at sa pagsulong ng responsableng pagmimina sa industriya.
Kasama sa #MineResponsibility launch event ang MGB, mga kinatawan mula sa industriya, mga kinatawan mula sa media, at ang iba pang stakeholders. Itinampok din dito ang ilang eksibit at isang virtual reality experience sa mga minahang na-rehabilitate na sa bansa. Ilang video rin ang inilabas sa social media accounts ng MGB na may hashtag #MineResponsibility.
Ang kampanyang ito ay nasa rurok ng mahaba at metikulosong proseso na layong mapabuti ang industriya ng pagmimina, katuwang ang pagsasagawa ng audit ng large-scale mining operations ng Mining Industry Coordinating Council (MICC), ang pag-tataguyod ng Department Administrative Order 2018-19, at ang pagtanggal ng excise at income tax para sa small-scale miners, etc.
“We [government] are not here to cover up any of these mistakes,” anang opisyal.
“The issue is really very serious. The integrity of the [mining] industry is at stake.”
Comments are closed.