PAG-ALALA SA MGA YUMAONG MAHAL SA BUHAY

INAALALA natin ngayong araw ang mga yumaong mahal natin sa buhay.

Kaya naman asahan ang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo at ng mga biyahero.

Ano nga ba ang esensiya ng pag-alala sa mga namayapa?

Sa ating mga Pinoy, likas pa rin ang maka­pamilya at hindi agad napapawi sa alaala ang mga mahal natin sa buhay.

Ang magandang alaala  at aral na iniwan ng mga namayapa ay hindi natin basta nalilimutan.

Bagaman hindi dapat tuwing Nobyembre 1 lamang aalalahanin ang mga yumao, ito rin ang nagbibigay-daan sa mga nabubuhay na pansamantalang huminto upang sabay-sabay na alalahanin ang mga mahal na nasa kabilang buhay na.

Samantala, ang ating pamahalaan ay todo sa paalala ng ibayong pag-iingat.

Una ay ang mga magbibiyahe nang malayo, ha­limbawa ang mga nasa Metro Manila na uuwi ng probinsya o ang mga pabalik.

Dapat maging handa sa pagbiyahe at unang tingnan ang kondisyon ng mga sarili kung magda-drive o mamamasahe lang.

Tingnan din ang kondisyon ng mga sasakayan.

At kung walang maiiwan sa bahay, siguraduhin ang kaligtasan laban sa masasamang loob.

Ang Undas ay isa ring pagkakataon ng un­expected reunion sa mga kababata, kaibigan at mga magkakamag-anak sa sementeryo.

Kaya sa sabay-sabay na paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay, alalahanin din at masayang makasama ang mga mahal na kapiling pa natin.