PAG-ALIS NG INITIAL SECURITY CHECK SA AIRPORT IPATUTUPAD SA 2023

MATAPOS  ang matagumpay na dry run sa pag-alis ng mga X-ray machine sa entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal, nakatakdang ipatupad ito sa ibang mga airport sa darating na taon 2023.

Ayon kay (OTS) Undersecretary Ma.O. Aplasca, kasunod nitong aalisin ang initial security screening checkpoint sa mga paliparan na saklaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.

Paliwanag ni Aplasca, sa kabila nito, patuloy na pinag-aaralan ng kanilang opisina ang security system bago ipatupad sa ibang mga airport para maranasan ng bawat pasahero ang mabilis na pagpasok ng mga ito sa mga paliparan.

Bukod sa NAIA terminal 1 at 4 ay target din ng OTS na alisin ang initial security screening checkpoint sa NAIA terminal 3 sa darating na taon 2023.

Binigyan diin ni Aplasca na hindi papayagan ng kanilang opisina na matanggal ang final security checkpoint sa mga terminal sapagkat bawal ito sa security measures na sinusunod sa iallim ng International Standard.

Inalis ang security check matapos ang konsultasyon sa pagitan ng mga stakeholder ng paliparan, kinatawan ng airline at sa pakikipagtulungan ng PNP-Aviation Security Group.

Dagdag pa ni Aplasca, mananatili ang final security screening checkpoint pagkatapos dumaan ng mga pasahero sa immigration counter, kung saan nakalagay ang mga high-tech – X-ray machine, body scanner, at metal detector upang matiyak na walang makalulusot na mga illegal na bagay. Froilan Morallos