PAG-ALIS NG RICE IMPORT QUOTAS IGINIIT

Sen-Win-Gatchalian

NAIS ni Senador Win Gatchalian na alisin na ang rice import quotas upang magmura ang bigas sa bansa.

Giit ng senador, kinakailangang hanapan ng kapalit ang quantitative restrictions (QRs) sa rice imports na may 35% tariff  upang masigurong ang bigas ay mabibili sa abot-kayang halaga.

“The country’s protectionist policy on rice has become unsustainable. Rice consumers are spending more on rice products while domestic rice farmers remain poor, marginalized, and unprepared to compete in the global market,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs.

Inihain ng senador ang Senate Bill No. 1839 na nagsusulong sa tatlong major policy interventions sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act No. 8178 o ang Agricultural Tariffication Act.

Sa ilalim ng SB 1839, aalisin ang ilang probisyon sa batas kaugnay sa itinakdang quantitative rice importation at export restrictions sa mais at bigas na dapat ay nakapaloob sa tariff system na naaayon sa commitment  ng bansa sa World Trade Organization (WTO) Agreement on Agriculture.

Anang senador, sa ilalim ng 35% rice tariff, ang average retail price ng milled rice ay maaaring bumaba sa P36 kada kilo mula sa P44 kada kilo kung saan ­tinatayang makatitipid ng P3,600  ang isang pamilya na kumokonsumo ng 450 kilo ng bigas kada taon.

Idinagdag pa ng senador na ang naturang panukala ay magbibigay sa Pangulo ng kapangyarihan para i-adjust nito ang tariff rates sa impor­ted rice, i-regulate ang rice exports at magpatupad ng special rice safeguards para sa kapakanan ng publiko.

Nakapaloob din sa panukala ang paglikha ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (Rice Fund) mula sa kinolektang tariff revenues na gagamitin para mapalakas ang produksiyon ng bigas, modernisasyon ng pagsasaka at pagpapaunlad sa rice research at iba pa.

“The spirit of this bill is to maintain the balance of interests between our rice farmers and rice consu­mers. Reducing the market price of rice will lower household expenditures and increase the supply of food on the plates of underprivileged Filipinos. At the same time, providing well-functioning and sustainable social safety nets to rice far­mers would ensure that their welfare is protected and their conti­nued productivity is secured,” giit ni Gatcha­lian.      VICKY CERVALES

Comments are closed.