PAG-ALIS SA MOTHER TONGUE SA PAGTUTURO

NANANATILING isyu ang kalidad ng edukasyon at unang sinisisi ay sistema ng pagtuturo sa bansa.

Sa panig ng mga guro, labis ang kalungkutan kapag hindi natututo ang mga bata.

Sa basic teaching, dapat matutong mag­basa, sumulat  at magbilang ang bata at kaakibat nito, maunawaan ang kanilang lesson.

Mahalaga ang komunikasyon sa pagtuturo kaya naman pinapayagan ang mo­ther tongue sa paninimula ng pag-aaral o mula kindergarten.

Pero ngayon na may batas na hindi na dapat gamitin ang mother tongue mula kinder hanggang Grade 3, nangangamba ang mga magulang at grupo ng mga guro na makaunawa ang mga estudyante.

Ang mother tongue ay mga salita na natutunan sa loob ng bahay o diyalekto sa lokal.

Malaking hamon ito sa comprehension skills ng kabataan dahil kung hindi gagamit ng mother tongue paano lubos na mauunawaan ang lesson?

Tila nabalewala rin ang mga pagsisikap ng Komisyon sa Wikang Filipino na sagipin ang mga nanganganib na katutubong wika.

Sana ay mapag-aralang mabuti ang hakbang o kaya naman ay makalikha ng formula sa pagtuturo na mabilis matuto ang kabataan.