PAG-AMIYENDA SA GAB LABAG SA BATAS

Panfilo Lacson

LABAG  sa batas ang pag-amiyenda sa Ge­neral Appropriations Bill (GAB).

Ito ayon sa mga senador matapos ang pag-aproba sa ikatlong pagbasa ng Kamara kahit pa ang mga ahensiya ng gobyerno ang magsumite ng pagkakamali nito.

Paliwanag ni Senador Panfilo Lacson na malinaw ang nakasaad sa Article VI, Section 26 ng Konstitusyon na walang exemptions kapag naaprubahan na sa ikatlong pagbasa kaya hindi na pinapayagan ang mga pag-amyenda rito.

Iginiit pa ni Lacson na wala rin sinasabi ang Konstitusyon na kapag naghahabol ng “errata”  ay hind ito applicable at iginiit na ang dahilan ng House Appropriations  committee  para sa pag-amyenda na mula sa mga ahensiya ng gobyerno ay mali.

Ayon sa senador, ang  four phase budget process ay eklusibo lang sa hurisdiksyon  ng Kong­reso at ang Ehekutibo lang ang naghahanda at nagpapatupad nito.

Para naman kay Senador Kiko Pangilinan, na kapag mayroon silang correction o intervention sa budget matapos ang third reading ay dapat sa bicam pinag-uusapan at hindi sa errata lalo na kung  ito ay napakalaki ng halaga.

Nauna nang sinabi ni House Appropriations chairman Eric Yap na ang mga ahensiya ng gob­yerno at departamento at hindi  silang mga kongresista ang magsasagawa ng amendment sa inaprubahang panukalang budget. LIZA SORIANO

Comments are closed.