PAG-AMYENDA SA ‘RAPE LAW’ INAPRUBAHAN SA KAMARA

RAPE LAW

SA botong 207 na mga kongresista ang pabor, habang tatlo lamang ang tumutol, ganap ng inaprubahan ng Kamara ang House Bill no. 7836 na naglalayong amyendahan ang 23-year-old Anti-Rape Law, gayundin ang probisyon ng Revised Penal Code (RPC) hinggil sa kaso ng panggagahasa.

Paliwanag ni Tingog partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez, chairperson ng House Committee on Welfare of Children at isa sa principal authors ng naturang panukalang batas, pangunahing layunin ng HB 7836 na mabigyan ng proteksiyon ang mga menor de edad mula sa kaso ng pang-aabusong seksuwal.

“Every year, thousands of children and teenagers fall prey to sexual abuse and exploitation, the prevalence of which has motivated me – as a mother, as a woman and as a legislator – to take a closer look at the existing laws that aim to protect them from sexual abuse, and to understand more fully how we can improve and strengthen them,” pahayag pa ng lawmaker.

Ayon kay Romualdez, kapag tuluyang naging isang batas, ang sinumang  nasa hustong edad na nakipagtalik sa isang 16-years old pababa, kahit pa lumalabas na ito’y may pagpayag ng huli, ang una ay nakagawa ng kaso ng panggagahasa, na sa ngayon ay may katapat na parusang habambuhay na pagkakakulong.

“By establishing the crime of statutory rape to be any sexual activity with a child, of either sex, under the age of 16 – the law makes certain the punishment of those who commit such crime, without unnecessarily furthering the emotional and physical trauma of the child that may be brought about by a lengthy court proceeding or the need for any further physiological or material evidence,” sabi pa ng lady solon.

Nakapaloob din sa panukalang batas ang pagbibigay ng kaalaman at kapangyarihan sa bawat tahanan, paaralan at komunidad na gumawa ng mga hakbang na makatutulong upang maiwasan magkaroon ng insidente ng ‘sexual abuse’.

Sa kasalukuyan, ang pagkakaroon ng sexual intercourse sa batang 12 years old pababa ay itinuturing na ilegal o katumbas ng kasong rape.

Kung ito naman ay ginawa sa isang 18-anyos pababa, ay maitatakda lamang ito bilang kaso ng child abuse at exploitation.

Subalit binigyan-diin ni Romualdez na ang umiiral na probisyon na ito ng Anti-Rape Law ng bansa partikular sa pagtukoy sa kaso ng statutory rape ay hindi naaayon kahit sa 2015 report  pa ng United Nations International Children’s Fund (UNICEF) East Asia and Pacific Region.

Kaya naman iginiit niyang dapat ng maisabatas naturang proposed measure kasabay ng panawagan din nito sa mga taga-Senado na aprubahan na ang kanilang kahalin-tulad na panukala, na napag-alamang sa committee level pa lamang ng huli naipapasa. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.