PORMAL na inilunsad ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang “Echo-Dissemination on Social Development Policies” katuwang ang iba’t ibang unit heads nito para talakayin ang pagsasama-sama ng 3-Priority Programs at 5-year Urban Poor Development Plan, alinsunod sa nais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng mas maginhawang pamumuhay ang mga Filipino sa marami pang taon.
Tiwala si PCUP Chairman at CEO Alvin Feliciano na makatutulong ang gagawing polisiya sa pag-angat ng antas ng maralitang Filipino sa mga susunod na taon kaya’t pinag-aaralan ito nang husto ng PCUP at sisiguraduhing magiging epektibo ang bawat programa na maiaangat ang nakararami mula sa kahirapan.
Ang nasabing kaganapan ay pinangasiwaan ni Commissioner Norman Baloro kasama ang iba pang Commissioners ng ahensiya.
Kaakibat ng pagpaplano ay hindi lang ang mga polisiya kundi maging ang maiaambag ng PCUP na mga posible pang maging life-long liveli-hood ng mga ‘urban poor communities’.
Ang paghahandang ito ay kaugnay na rin sa programa ng National Economic Development Authority (NEDA) na, Ambisyon Natin 2040 na may layunin na 25-year long-term anti-poverty at anti-hunger.
Target ng programang ito na maitaas ng tatlong ulit ang kasalukuyang real per capita income ng sambayanan. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.