PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang backriding sa pagitan ng mag-asawa at mag-live in o magkasintahan na naninirahan sa isang bahay.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, co-chair ng National Task Force Against COVID-19, papayagan lamang ito basta’t may protective shield sa pagitan ng nagmamaneho at backrider at mapatutunayang totoong nagsasama sila sa isang bubong.
“Simula sa Biyernes, papayagan na natin ‘yung backriding para sa mga couple at ‘yung prototype model na isinubmit ni Bohol Gov. Art Yap ay approved na ‘yan ng NTF (National Task Force),” ani Año.
“May barrier, handle sa side nung barrier at lalampas hanggang ulo niya ‘yung barrier, at para masigurong walang laway dapat may mask at helmet ‘yung ating passenger at rider,” paglalarawan ni Año sa nasabing prototype protective shield.
Tugon ito, ani Año sa kahilingan ng marami na maihatid ang kanilang asawa sa trabaho, grocery o iba pang lugar na pangunahing kailangan ng kanilang pamilya.
Ayon sa kalihim, papayagang mag-backride iyong mga magkasintahan o live in partner basta’t mapatunayang nagsasama sa pamamagitan ng pagpapakita ng ID na naninirahan sila sa isang bahay.
“Kung hindi magkakapareho [ng apeliyido gaya ng] common-law [couples] eh meron naman silang the same address sa same ID, [to prove] kung they live in the same address. There are so many ways,” ani Año.
Gayundin, nagbabala ang kalihim, oras na mapapatunayang hindi namang magkasintahan ang mga sakay o commercial riders ay maaaring maharap sa patong-patong na kaso partikular ang omnibus guidelines ng community quarantine sa bansa.
Kaugnay nito, tutukan naman ng PNP Joint Task Force COVID Shield ang pagbuo ng mga patakaran at alintuntunin sa pagpayag ng IATF na makabiyahe ang mga mag asawa o mag live-in na sakay ngmotorsiklo at makalusot sa mga Quarantine Control Points (QCPs).VERLIN RUIZ
Comments are closed.