HINDI pa rin pahihintulutan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila ang back-riding o pag-angkas sa motorsiklo kahit pa ng mga mag-asawa o magkamag-anak.
Ayon kay Joint Task Force Covid Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, sa kasalukuyang guidelines na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF), hindi pa rin pinapayagan ang angkas.
Paliwanag ni Eleazar, maituturing pa rin itong paglabag sa physical distancing.
Iginiit ni Eleazar kahit mga pulis ay hindi maaari ang pagkakaroon ng angkas sa motorksiklo.
Magugunitang ilang mga lokal na opisyal na rin ang nananawagan sa pamahalaan na payagan na ang back riding sa motorsiklo lalo na kung mag-asawa o magkamag-anak.
Ito ay dahil ang motorksiklo lamang ang posiblneg paraan ng transportasyon ng mga mahihirap at lower middle class sa gitna ng community quarantine. DWIZ882
Comments are closed.