PINAG-AARALAN ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng hindi bababa sa 200,000 metric tons (MT) ng mais upang madagdagan ang suplay ng bansa makaraang salantain ng bagyong Ompong ang corn farms sa Northern Luzon.
Ginawa ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol ang pahayag matapos ang 90-percent wipe-out ng corn farms sa Northern Luzon, kabilang ang Cagayan Valley, ang top corn-producing region ng bansa.
“[Agriculture] suffered a major blow from [Typhoon] Ompong. We are seeing what we feared most – the worst case scenario of between P11-billion to P12-billion worth of damage,” wika ni Piñol.
“The rice sector could recover but we lost 90 percent of corn [production]. We may need to import corn to fill-up the shortage,” aniya pa.
Sinabi ni Piñol na pinag-iisipan niya ang paunang 200,000-MT corn imports subalit idinagdag na naghahanap pa siya ng pinakamabisang paraan para maipasok ito sa bansa na hindi mapipinsala ang local farmers.
Tiniyak naman ng agri chief sa corn farmers na kapag itinuloy ng pamahalaan ang pag-angkat ay hindi ito magiging duty-free.
“We can’t do that. It will jeopardize our corn program,” aniya nang tanungin kung ang imports ay hindi papatawan ng taripa.
“This is a short term problem, hence, a short term solution.”
Isa, aniya, sa mga posibleng opsiyon sa pagpasok ng import volume ay ang pagtaas sa current minimum access volume (MAV), na nasa 200,000 MT.
Suportado naman ni Philippine Maize Federation Inc. (PhilMaize) President Roger V. Navarro ang panukala ni Piñol dahil hinihingi, aniya, ito ng pagkakataon subalit iginiit na ang imports ay hindi dapat duty-free.
“That’s really one of the options and we do not have a problem if they would import corn,” ani Navarro.
“However, they should pay the tariffs whatever it may be but it should not be zero tariff,” dagdag pa niya.
Bukod dito, sinabi ni Navarro na dapat munang gamitin ng mga importer ang lahat ng current MAV volume bago ito taasan.
“They should utilize it first. Because if not, then what’s the purpose of the MAV after all?” sabi pa niya.
Ayon sa DA, ang mga magsasaka ay nawalan ng P4.99 billion sa pananalasa ni ‘Ompong’ sa may 175,485 ektarya sa Regions I, III, at IV-A na may tinatayang production loss sa 251,933 MT.
“The vast increase in the overall damages and losses are attributed to the reports in the provinces of Ilocos Norte, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija and Pampanga; particularly in rice, corn and irrigation facilities,” pahayag ng DA sa pinakabagong damage report nito na ipinalabas noong Linggo ng gabi. JASPER ARCALAS