PAG-ANGKAT NG ASUKAL IPINAGPALIBAN

DAHIL sa adjustment sa harvest season ng mga lokal na magsasaka na sinalanta ng sunod- sunod na bagyo, inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na ipagpapaliban nito ang importasyon ng asukal hanggang sa kalagitnaan ng 2025.

“The Philippines will delay its decision on sugar importation until mid-2025, following the conclusion of the current crop year’s harvest, to first gain a clearer understanding of domestic supply,” sabi ng DA sa isang statement.

Ang desisyon ay napagkasunduan nina Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. at Sugar Regulatory Authority (SRA) Administrator Pablo Luis Azcona matapos ang kanilang pagpupulong noong Huwebes, November 7.

Ayon kay Tiu Laurel, hindi kailangang madaliin ang pag- aangkat ng asukal mula sa ibang bansa dahil sapat pa ang suplay ng asukal sa ngayon at hindi naman tumataas ang presyo nito.

“There is no immediate need for additional imports as domestic supply of both raw and refined sugar remains stable and sufficient to meet projected needs,” nakasaad sa DA statement.

“Given the current situation, Administrator Azcona and I agreed that a decision on sugar importation could be delayed until after May, when the current harvest season ends,” sabi ni Tiu Laurel.

“Our supply for both Raw and Refined Sugar are stable and we are just beginning our harvest season, so Sec Laurel and I agree to delay the decision on sugar imports until after harvest sometime in May,” paliwanag naman ni Azcona.

Ayon kay Azcona, mabagal ang pagsisimula ng pag-aani sa kasalukuyan ng mga lokal na magsasaka na may kabuuang cane volume na one third lamang kumpara sa inani ng mga ito sa kaparehong panahon noong nakaraang taon dulot ng pinsala ng El Niño.

“Farmers had to delay their harvests to allow the cane to mature further and increase sugar content,” sabi ni Azcona.

Dahil sa epekto ng nakaraang El Niño, naging immature umano ang paglaki ng mga tubo na nagdulot ng 16% na pagbaba sa sugar content kada tonelada nito.

Ito ay sa gitna ng pagsisikap ng sugar industry na palakihin ang produksiyon nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga lugar na tinataniman para rito.

“ Per SRA data, the area planted to sugar cane this year increased slightly to 389,461 hectares, up from 388,378 hectares the previous crop year,” anang SRA official.

“The SRA has estimated this years sugar production at 1.782M, a 7.2% drop, while the U.S. Department of Agriculture forecasts a 3.6% decline in Philippine raw sugar production for the current crop year. It projected that output will fall to 1.85 million metric tons from 1.92 million metric tons in the previous crop year,” sabi ng SRA.

Ang crop year sa kasalukuyan ay inaasahang magtatapos sa Agosto sa susunod na taon.
Ma. Luisa Macabuhay- Garcia