PAG-ANGKAT NG COW LEATHER SA IBANG BANSA ‘DI BAWAL – DA

COW LEATHER

NILINAW ng Department of Agriculture (DA) kamakailan na hindi nila ipinagbawal o isinara ang pag-angkat ng cow leather mula sa ibang bansa pero tinutulan ang pagpasok ng pig products mula sa African Swine Fever-affected nations (ASF) para maiwasan ang sakit na ito sa Pinas.

Sa kanyang Facebook post, dinismis ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol ang mga balita ng memorandum orders na inisyu niya noong nagdaang taon, kung saan nag-ban siya ng pag-angkat ng pig products, covered cow leather.

Sa mga report na lokal na nalathala noong Martes ay may indikasyon na ang Pampanga acting governor Dennis Pineda na humi­ngi kay Piñol na huwag isali ang local bag-manufacturing company sa importation ban.

“DA Memorandum Orders No. 23 and 26, series of 2018 issued on Jan. 25 banned the importation of domestic and wild pigs and their products as emergency measures to prevent the entry of African swine fever (ASF) virus into the Philippines,” sabi ni Piñol.

“ASF is a severe threat to the swine industry and its introduction threatens food security and challenges the livelihoods of pig producers,” dagdag niya.

Pinayuhan ni Piñol ang mga importer na kumuha ng kanilang pig skin leather requirements sa ASF-free countries dahil ang virus ay puwedeng mabuhay sa balat ng baboy o taba nito sa loob ng 300 araw kahit na ang produkto ay napatuyo na.

Kaya pinag-iisipan ng DA na magpadala ng inspection team sa China para suriing mabuti ang tannery facilities at malaman kung sila ang tumutupad sa kinakailangang sanitary at phytosanitary measures.

“The Bureau of Animal Industry (BAI) is now conducting risk assessment on the introduction of ASF virus through importation of leather products from China,” sabi ni Piñol.

“Also, BAI is considering sending an inspection team to China to visit the tannery facilities to check compliance with GMP [Good Manufacturing Practice] and HACCP (Hazard analysis critical control points,” dagdag niya.

Walang  “no published treatment or vaccine” para sa  ASF, ayon sa World Organization for Animal Health (OIE).

Pinapayuhan ng OIE ang ASF-free countries na magpataw ng mahigpit na polisiya na makasisiguro na walang “infected live pigs o pork products” ang makapapasok sa kani-kanilang teritoryo. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS

Comments are closed.