PAG-ANGKIN SA WPS, HINILING NA PAG-IBAYUHIN

LIMANG  taon matapos na maipanalo ang karapatan sa West Philippine Sea (WPS) sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, kailangan ng Filipinas na lalo pang diinan ang pakikipaglaban nito para maging ganap ang tagumpay sa pag-angkin sa naturang lugar.

Ipinahayag ito ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, kasabay ng pagsasabing malaki pa ang kailangang gawin ng Filipinas dahil patuloy pa rin ang presensiya ng Tsina sa lugar.

“Whatever we have done, or have failed to do, and what we must continue to pursue as part of our prerogatives as a law-abiding, democratic, and sovereign nation under this administration – unfortunately – has accrued little to our ‘accumulated advantage’ in the South China Sea and in the context of Philippine-China relations. On the contrary, we may have done very little in stemming the tide of an increasing Chinese footprint into the ASEAN region’s foreign policy, economy, and security,” paliwanag ng mambabatas.

“Thus, let us see this day for what it truly is: Commemorating a hard-won battle, but a victory still incomplete. We must, therefore, press on to complete the victory,” dagdag ni Lacson.

Nakamit ng Filipinas ang makasaysayang panalo laban sa Tsina sa nabanggit na arbitration case noong Hulyo 12, 2016, makaraang magpasya ang Tribunal na ang iginigiit ng huli na “nine-dash line” ay walang batayan sa mga umiiral na batas.

Ayon kay Lacson, kailangan pang mabuo ng Filipinas ang komprehensibo at maka-Filipino na polisiya limang taon makaraan ang panalo.

Muli ring ipinananawagan ni Lacson ang pangangailangan na magkaroon ng balanseng presensiya ng mga puwersa sa South China Sea region, sa pamamagitan ng malakas na pakikipag-ugnayan ng Filipinas sa mga kaalyadong bansa na kinabibilangan ng Amerika, Australia, Japan at ilang bansa sa Europa.

“No doubt, we are committed to a peaceful South China Sea, where nations follow the rule of law and are guided by the Award. But what we face now is the threat of a resurgent China pursuing its own ‘China dream’ under Xi Jinping – at the expense of our sovereign rights and patrimony in the South China Sea and other areas,” ayon kay Lacson.LIZA SORIANO

One thought on “PAG-ANGKIN SA WPS, HINILING NA PAG-IBAYUHIN”

  1. 799677 227460Thank you for this. Thats all I can say. You most certainly have made this into something thats eye opening and essential. You clearly know so considerably about the topic, youve covered so several bases. Fantastic stuff from this part with the internet. 190862

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *