MAS lalong pinadali ang pagkuha ng drivers license sa Land Transportation Office (LTO).
Ito ang naranasan ng isang public utility vehicle (PUV) driver na si Edver Mendez kung saan malaking ginhawa aniya ang kanyang naranasan sa pagproseso ng drivers license.
Magugunitang nito lamang Hunyo ng taon nang muling ibalik ng LTO ang kanilang operasyon sa Metro Manila matapos ang mga lock-down na ipinatupad dulot ng Covid-19 pandemic at mailagay na sa General Community Quarantine ang Kalakhang Maynila.
Ito aniya ang dahilan kung kayat sinamantala na ng driver na asikasuhin ang kanyang lisensiya at sinuwerte namang natapos ang transaksiyon ng hindi lumagpas sa isang oras.
Ganito rin ang naranasan ng isang empleyadong ginang na si Angeline Ocampo na ikinatuwa ang mabilis na proseso sa kanyang pag re-renew ng kanyang drivers license.
“As a mother, some saved time is important because I can use it to take care of my son. I have been driving for almost ten years now and I can say that the renewal process is no longer time-consuming, ever since the transactions were computerized,” pahayag ng naturang working mom.
Ayon kay Stradcom spokesperson Lorie Bundoc, ang naranasan ng jeepney driver at ng working mom ay ilan lamang sa nagpapatunay sa matagumpay at ibayong pagpapahusay ng serbisyo sa LTO -IT project na automated LTO’s core processes sa tulong ng Stradcom ang proponent ng multi-bilyong pisong computerization ng LTO.
Aniya, batay sa datos hanggang nitong Nobyembre ng taon, umabot na sa mahigit 300 milyon ang naserbisyuhan sa pamamagitan ng LTO-IT project’s.
Ayon sa LTO, nasa 30.7 milyon na ang kanilang naproseso sa mga unique motor vehicle records kung saan may 19.3 milyong driver’s license ang kanilang nailalabas habang may naitalang 13.8 milyong alarm apprehensions at clearance records. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.