ISANG malusog na sanggol ang ligtas na naisilang sa Barangay Datag sa San Andres, Catanduanes sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Pepito kahapon.
Isang pulis na isa ring registered midwife ang tumulong sa panganganak ng ginang.
Bagaman nasa kalagitnaan ng panganib, ligtas ang ina at ang sanggol.
Simpleng balita ito pero may malaking meaning para sa lahat.
Itinuturing na simboliko ng positibong kaganapan ang bagong silang na sanggol.
Ito ay dahil hatid nito ang malaking oportunidad at pag-asa kaninuman at hindi katakutan ang anumang problema, balakid at kabiguan.
Katunayan, na may mga positibong kaganapan din sa gitna ng kalamidad at sa ulat kahapon ng Catanduanes Information Office, agad nang naging maaliwalas sa lalawigan.
Nagsibalikan na rin sa kani-kanilang bahay ang 26,000 pamilya dahil agad nang bumalik sa normal ang sitwasyon sa lugar.
May magandang mensahe ang pagsilang ng sanggol at tila paalala sa lahat na magbubukas ang pag-asa at oportunidad sa lahat.