RIZAL – NAPIGILAN ng mga tauhan ng Philippine Army ang gagawing pagsalakay ng may 20 miyembro ng Communist party of the Philippine-New People’s Army sa isang military detachment mismong araw ng Pasko sa Brgy. Puray sa bayan ng Rodriguez.
Inihayag kahapon ni Brig. Gen. Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr., pinuno ng 202nd Infantry Brigade ng Phil. Army, kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operation ang kanyang mga tauhan nang magsumbong ang mga residente sa gagawing pag atake sa kanilang maliit na Patrol Base.
“This is a violation of their self-imposed ceasefire and a clear manifestation that their fighters no longer recognize the authority of their so-called leaders”, ayon kay Burgos.
Samantala, inihayag ni Lt. Colonel Melencio Ragudo, Commanding Officer ng 80th Infantry Battalion tumagal ng ilang minuto ang bakbakan na ikinasugat ng isang kasapi ng CAFGU.
Ayon kay Ragudo naniniwala siyang marami ang nalagas at nasugatan sa mga tumatakas na NPA.
Pininiwalaang ang mga sasalakay na terorista ay kabilang sa NPA Sub-Regional Party ng Sub-Regional Military Area 4C na pinamumunuan ng isang Jonathan Mopon alyas “Boyong” ay may planong patampukin ang kanilang ika-50 anibersasryo sa pamamagitan ng pag-atake sa mili-tary detachment.
Dahil sa nasawata ng mga sundalo ang posibleng madugong pagsalakay ng CPP-NPA kahit araw ng Pasko ay pinapurihan ni Major General Rhoderick M Parayno, pinuno ng 2nd Infantry Division, ang kanyang mga tauhan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.