CAMP AGUINALDO – KINONDENA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapasabog ng landmine ng mga miyembro ng New People;s Army (NPA) sa sinasakyan ng mga Indigenous Peoples Project foreign observers at Local volunteers sa Bukidnon kung saan sugatan ang pitong sundalo.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, hindi combatant ang mga inatake ng mga NPA, sa katunayan tumu-tulong ito para sa mga katutubo sa bansa partikular sa Bukidnon.
Kaya hindi aniya katangap tangap ang ginawang pag-atake ng NPA, nararapat lamang na magkaroon ng global condemnation sa ginawa ng NPA sa mga foreign observers at local volunteers.
Sinabi pa ni Arevalo dapat na magkaisa ang mga Filipino para kontrahin ang mga panggulo ng mga teroristang NPA lalo na’t na lalagay sa bad light o napapasama ang bansa dahil sa kanilang panggugulo.
Sa pagpapasabog ng landmine walang nasugatan sa mga foreign observers pero pitong sundalo ang sugatan. REA SARMIENTO