HINDI na ikinagulat ni Senador Nancy Binay ang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial bid.
Ani Binay, may haka-haka na ring aatras ang pangulo.
“Para sa kanila hindi na ako nagugulat. Parang always expect the unexpected. And there’s been talk na baka hindi tumuloy, eh. So kumbaga isa iyon sa scenario that was very possible, so hindi na rin ako
nagulat,” pahayag ni Binay.
Nitong Martes ay nag-withdraw si Duterte sa Commission on Elections (Comelec) ng kanyang senatorial bid.
Nirerespeto ni Binay ang anumang naging desisyon ni Duterte sa kanyang kandidatura.
“It was his personal decision. And I guess katulad ng sinabi ng ibang kandidato, let us respect that decision. And I think maganda naman ang dahilan that was issued yesterday, na para mas maka-focus pa siya doon sa problema na hinaharap natin,” dagdag ni Binay. LIZA SORIANO