“PAG BADING ISYU AGAD?’ — SB19 STELL AJERO

May problema ba kung bading ako?” Ito ang makahulugang tanong ni Stell Ajero bilang tugon sa rumors na bakla siya at karelasyon ng isa nilang kamiyembro.

Wala raw naman sa kanyang paghinalaan siyang gay dahil kilala niya ang kanyang sarili. Pero kung sakali man, dapat lang na walang problema kung ano man ang kanyang sexual preference.

“May issue ba tayo if for example maging bakla ako? I don’t think mayroon kang kinalamang sa akin.”

Manhid na raw siya sa ganitong isyu, dahil mula nang mapabilang siya sa P-pop SB19 ay inulan na siya ng puna ng bashers.

Ngunit kaakibat umano ito ng pagsikat, ani Stell, kaya thankful pa rin sya. Nasanay na umano siyang pinupuna, mula ulo hanggang paa kaya hindi na raw ito pinapansin.

“Hindi ko po talaga maintindihan,’ saad pa ni Stell. “Tingin po ba nila insulto iyong ganong bagay? Just in case, pare-pareho naman tayong tao. Pare-pareho tayong kumakain, dumudumi! I don’t think na isyu kung ang isang tao ay babae, lalaki, bakla o tomboy.”

Pinalalabas kasi ng mga intregerang may relasyon si Stell sa co-member na si Pablo. May video raw kasi silang sobrang sweet.

Pero ayaw na itong palakihin ni Stell. Basta close daw sa isa’t isa ang SB19 members.

Sinang-ayunan naman ito ni Ken, isa pang SB19 member. Yung biryani umano sa kanila ng grupo, nagiging isyu sa iba. Pero thank you na rin daw na pinag-uusapan sila kahit negative ang issue.

RLVN